DMW, nagbabala sa mga illegal recruiter na sangkot sa “kabit system”

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa “kabit system” na kinasasangkutan ng illegal recruiters.

Maaari kasi silang masampahan ng patung-patong na kaso sa pakikipagkabit sa mga lehitimong recruitment agency.

Tinukoy ng DMW ang natuklasan nilang pagpapagamit ng lisensya ng ilang recruitment agencies sa illegal recruiters o ang “kabit system.”

Sa surprise inspection ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac sa recruitment agency sa Maynila, naaresto ang isang illegal recruiter na sangkot sa multiple recruitment agencies.

May biktima rin ng illegal recruiter ang na-rescue ng DMW sa operasyon.

Muli namang nagpaalala ang DMW sa publiko na suriing mabuti ang mga nagre-recruit sa kanila.

Facebook Comments