DMW, nagbabala sa OFWs hinggil sa pakikipag-usap online sa mga foreigner

Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pakikipag-usap online sa mga dayuhan.

Sa harap ito ng dumaraming kaso ng mga nabibiktima ng modus ng mga nagpapakilalang foreigner.

Ayon sa DMW, kapag nakuha na ng suspek ang tiwala at napaibig na ang biktima sa loob ng ilang buwan ay bigla itong hihingi ng tulong partikular ang pagpapadala ng pera online kahit na hindi pa ito nakikita nang personal.


At kapag naipadala na ang pera ay bigla itong maglalaho at hindi na mako-contact.

Pinapaalalahanan ng DMW ang OFWs na huwag basta-basta magtiwala sa mabubulaklak na salita ng mga nakakachat dahil baka pera lang ang habol ng mga ito at hindi tunay na pagmamahal o ang tinatawag na love scam.

Facebook Comments