DMW, nagbabala sa publiko hinggil sa illegal recruitment para sa mga non-existent jobs sa Italy

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay ng imbestigasyon sa talamak na illegal recruitment schemes.

Partikular ang pangakong trabaho sa Overseas Filipino Workers (OFWs) patungong Italy.

Bukod sa pakikipag-ugnayan ng DMW sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa Manila, nakikipag-usap na rin ito sa Philippine Consulate General sa Milan at sa Migrant Workers Office sa Italy.


Nagbabala rin ang DMW sa publiko na huwag maniwala sa modus ng illegal recruiters at sa halip ay mag-apply lamang sa mga rehistradong recruitment agencies.

Hinikayat din nito ang iba pang mga biktima ng illegal recruitment na makipag-ugnayan sa DMW para sa pagsasampa ng kaso laban sa illegal recruiters.

Una nang kinumpirma ng DMW na nasa 100 na biktima na ang dumulog sa pamahalaan matapos maloko ng illegal recruiters.

Facebook Comments