Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko kaugnay ng mga post sa social media na nag-aalok ng trabaho patungong Thailand, Singapore, at Vietnam.
Partikular anila ang alok na mabilis na pag-alis at walang babayaran sa kanilang paglipad sa naturang mga bansa para magtrabaho bilang call center agent.
Ayon sa DMW, karaniwang ipinadadala ng illegal recruiters ang mga biktima sa Thailand, Singapore, o Vietnam bilang on-the-spot tourists at saka dinadala sa Cambodia, Myanmar, o Laos para magtrabaho bilang scammer.
Pinapayuhan naman ng DMW ang publiko na mag-verify muna ng job offers at maging mapanuri para hindi mabiktima ng illegal recruiters.
Ipinapayo rin ng DMW na agad na i-report sa kanila ang mga ganitong kaso.
Facebook Comments