
Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga alok sa abroad na direct hiring.
Nagpaalala ang DMW sa publiko na ang direct hiring ay isinasagawa direkta ng aplikante online sa pamamagitan ng DMW e-registration account.
Ayon sa DMW, walang fixer, ahente, o indibidwal na konektado sa foreign employer o principal ang pinahihintulutang mamagitan o maningil ng bayad para sa pagproseso ng Overseas Employment Certificate (OEC) o work permit.
Hinimok din ng DMW ang publiko na i-report sa kanila ang mga kahina-hinalang alok ng mga indibidwal.
Facebook Comments










