DMW, naghahanda na sa posibleng mass deportation sa mga Pinoy sa US

Pinaghahandaan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang posibleng malawakang deportation sa daang libong mga Pinoy na illegal immigrants sa US.

Ito ay sa sandaling pormal nang umupo sa US President-elect Donald Trump.

Partikular na pinaghahandaan ng DMW ang assistance sa mga ma-de-deport na undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) sa US.


Tinatayang 370,000 ang undocumented Filipino immigrants ngayon sa Amerika.

Tiniyak naman ng DMW na may sapat silang pondo para sa financial aid at reintegration support sa mga ma-de-deport na Pinoy sa US.

Pinapayuhan din nito ang Filipino illegal migrants na may unpaid wage claims at iba pang labor-related complaints na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan sa Amerika.

Facebook Comments