Nagkakasa na ng contingency plans ang Department of Migrant Workers sa mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group.
Ayon sa DMW, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs para sa mga gagawing hakbang sa mga Pinoy sa Israel.
Nanindigan naman ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa apela nito sa mga Pilipino na huwag munang magtungo sa Israel.
Ayon sa embahada, hintayin na lamang na humupa ang kaguluhan doon bago bumiyahe patungong Israel.
Sa ngayon, ilang dayuhang airlines na ang nagsuspinde ng kanilang flights patungo ng Israel.
Facebook Comments