Nag-deploy na ng team ang Department of Migrant Workers (DMW) na tutulong sa repatriation ng 27 Pinoys na biktima ng human trafficking sa Cambodia.
Ang naturang Overseas Filipino Workers (OFWs) ay pinasok ng kanilang illegal recruiters sa illegal online financial at phishing operations sa nasabing bansa.
Tiniyak din ng DMW na bibigyan ng legal at financial assistance gayundin ng psychological first aid ang mga na-rescue na OFWs.
Ang naturang mga Pinoy ay pumasok sa Cambodia nitong Enero bilang mga turista at sila ay pinangakuan na ipapasok sa trabaho bilang tech support representatives.
Gayunman, sila ay puwersahang pinasok sa online scamming facility at sa tulong ng Cambodia National Police, sila ay na-rescue.
Facebook Comments