Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac na wala na sa panganib ang mga tripulanteng Pinoy na nasagip sa Red Sea.
Ayon kay Secretary Cacdac, nakipag-usap na rin ang kanilang tanggapan sa pamilya ng mga tripulante upang ipaalam na ligtas na ang kanilang mga mahal sa buhay.
Paliwanag pa ng Kalihim na nagtutulungan na rin ang iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at (Overseas Workers Welfare Administration) OWWA upang mabigyan ng karagdagang tulong ang mga tripulante.
Kabilang dito ang Psycho-Social, Pinansyal, at Training and Reintegration Support para sa kanila.
Naniniwala si Secretary Cacdac na mahihikayat ng mga tulong na ito na bumalik muna sa bansa upang makasama ang kanilang mga pamilya.