Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapatupad nila ng moratorium sa employment at deployment ng seasonal workers sa South Korea.
Ayon sa DMW, alinsunod ito sa resulta ng high-level consultation na ginawa nila sa Embassy of the Republic of Korea, Bureau of Immigration, at Department of Foreign Affairs.
Layon nito na mapalakas ang proteksyon sa karapatan ng seasonal workers sa harap ng mga nangyayaring illegal recruitment, gayundin ng labor at welfare cases.
Ito ay sa gitna rin ng nagaganap na pag-review sa interagency issuance ng Seasonal Worker Program (SP) para maisaayos ang mga panuntunan sa deployment ng land based workers.
Facebook Comments