Monday, January 26, 2026

DMW, nagsagawa ng entrapment operation sa isang travel agency sa Tanza, Cavite; suspek, arestado

Sinalakay ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation Group at Detection Group (PNP-CIDG) ang isang travel agency sa 421 Punta II, Tanza–Trece Martires Road, Tanza, Cavite.

Partikular ang R and T Travel and Tours na sinasabing sangkot sa illegal-recruitment activities.

Ayon sa DMW, walang valid na lisensya mula sa departamento ang naturang travel agency para mag-recruit at mag-deploy ng mga Pinoy workers sa abroad.

Arestado naman ng mga otoridad ang suspek na nasa likod ng operasyon.

Pinasara na rin ng DMW ang tanggapan ng R and T Travel and Tours.

Facebook Comments