DMW, nais matiyak na maayos ang pag-alis ng OFWs sa kanilang mga employer bago umuwi ng Pilipinas mula sa war-torn Israel

Nais daw matiyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na maayos ang paghihiwalay o pag-alis ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang mga employer bago umuwi ng Pilipinas mula sa bansang Isael.

Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, kabilang sa kanilang tinitignan ay ang kontrata ng OFWs kung ito ay natapos na.

Aniya, tinatawagan din ang mga Pinoy ng dalawa hanggang tatlong beses upang masiguro na nais nilang makauwi na sa bansa.


Sa ngayon, pinoproseso na ng DMW ang repatriation request ng 120 na mga Pilipinong nais nang umuwi ng Pilipinas dahil sa kaguluhan sa Israel.

Mahigit 100 Pilipino na sa Israel ang humiling ng tulong sa gobyerno para makabalik sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at mga militanteng Hamas.

Facebook Comments