DMW, nakapaglabas na ng P600-M para sa mga Pinoy na apektado ng Israel-Hamas conflict

Kinumpirma ni Department of Migrant Worker (DMW) OIC Hans Leo Cacdac na umaabot na sa P600-million ang kanilang nailalabas mula sa action fund para sa mga Pinoy sa Israel na naapektuhan ng Hamas attack.

Ayon kay Cacdac, kabilang sa nailabas na pondo ang para sa repatriation ng mga Pilipinong naapektuhan ng gulo sa pagitan ng Israel at Hamas.

Sa nasabing halaga rin aniya nila kinuha ang tulong pinansyal na binigay sa mga Pinoy sa Israel na piniling manatili roon sa gitna ng giyera.


Sinabi pa ni Cacdac na simula pa nitong Abril at Mayo ay nag-umpisa na silang maghanda ng mga contingency plan para sa mga Pinoy sa Israel.

Sa ngayon, halos 400 na OFWs mula sa Israel na ang napauwi ng pamahalaan.

Facebook Comments