
Nakatakdang magdeploy ang Department of Migrant Workers (DMW) ng panibagong 218 Filipino healthcare workers patungong Japan.
Ito ay sa ilalim ng Philippines-Japan Economic Partnership (PJEPA).
Ang ika-17th batch ng Pinoy health workers na ipadadala sa Japan ay kinabibilangan ng 19 nurses at 199 care workers.
Sila ay lilipad patungong Japan sa June 10 at 11.
Mula noong taong 2009, umaabot na sa 655 nurses at 3,760 care workers ang naipadala ng Pilipinas sa Japan.
Facebook Comments









