DMW, nakikipag-ugnayan na sa manning agency ng mga Pinoy seafarer ng oil tanker na sinamsam ng Iran sa Gulf of Oman

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa manning agency ng 18 Filipino crew ng oil tanker na St. Nikolas na nasamsam sa Gulf of Oman.

Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, naghihintay pa sila ng update sa status ng barko.

Habang nakipag-ugnayan na rin ang Department of Foreign Affairs sa embahada sa Iran upang alamin ang kondisyon ng mga Pinoy seafarer.


Papunta sana ang oil tanker sa Turkey nang samsamin ito ng Iran bilang tugon umano sa pagkumpiska rin ng Amerika sa Iranian oil shipments noong nakaraang taon.

Kinondena ito ng Washington at iginiit sa gobyerno ng Iran ang agarang pagpapalaya sa barko at mga crew nito.

Facebook Comments