DMW, nakikipag-ugnayan na sa pamilya ng Pinoy seafarers na sakay ng barkong tinamaan ng drone attack ng Houthi rebels

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng 15 Filipino crew members na tinamaan ng drone attack ng Houthi rebels noong Biyernes.

Ayon sa DMW, inatasan na rin nila ang manning agency ng Pinoy seafarers na kausapin ang kaanak ng mga ito.

Una nang tiniyak ng DMW na ligtas at accounted ang lahat ng Pinoy crew ng barkong Al Jasrah.


Bumabagtas sa Bab el Mandeb Strait ang nasabing container ship nang tamaan ito ng drone attack ng Houthi rebels.

Facebook Comments