
Nilinaw ng Department of Migrant Workers (DMW) na hindi pa ngayong araw ang dating sa Pilipinas ng pinalayang siyam na Filipino seafarers.
Ayon sa DMW, may mga pinoproseso pang dokumento para sa pagbabalik sa bansa ng Pinoy crew members.
Ang naturang mga Pinoy seafarers mula sa MV Eternity C ay unang binihag ng Houthi rebels sa Red Sea.
Kahapon, kinumpirma ng Sultanate ng Oman na ang mga Pinoy ay inilipat na sa Muscat,Oman mula sa Sana’a, Yemen.
Nagtutulungan na ang Philippine Embassy sa Muscat at ang Migrant Workers Office-Muscat para sa pagsasaayos ng repatriation ng Filipino seafarers.
Facebook Comments









