DMW-OWWA, nagbukas na ng shelter para sa mga lumikas na Pinoy sa Jerusalem

Nagbukas na ng shelters ang Department of Migrant Workers-Overseas Workers Welfare Administration (DMW-OWWA) sa Jerusalem para sa mga Pilipinong lumikas sa harap ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group.

Ang naturang shelters ay tumanggap na ng unang batch ng mga lumikas na Pinoy.

Patuloy rin ang pagpupulong ng Filipino community leaders sa Israel bilang paghahanda sa posibleng mass evacuation.


Sa ngayon, apat na beses nang nagpulong ang mga opisyal ng Philippine Post at ang Filipino community leaders sa Israel.

Facebook Comments