DMW, patuloy na mag-iisyu ng OEC sa OFWs habang inihahanda ang paglipat sa digital OFW pass

Patuloy pa ring mag-iisyu ang Department of Migrant Workers (DMW) ng Overseas Employment Certificates (OEC) sa Overseas Filipino Workers (OFWs) habang inihahanda ang transition patungong digital na OFW pass.

Nilinaw naman ng DMW na hindi dapat mag-panic ang OFWs sa gagawing pagbabago.

Ito ay lalo na’t magiging available pa rin ang OEC sa loob ng dalawang buwan.


Tiniyak din ng DMW na kailangan nang madaliin ang pagpapatupad ng OFW pass lalo’t malapit na ang peak season ng mga uuwing OFWs para sa bakasyon.

Una nang inatasan ng Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng ahensya ng gobyerno, kabilang na ang DMW na magdi-digitize para mas maging madali ang access ng publiko sa serbisyong ng gobyerno.

Facebook Comments