Patuloy pa ring umaasa ang Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang nawawalang seafarer na kabilang sa 22 tripulanteng Pinoy na sakay ng MV Tutor Vessel kung saan inatake ng mga rebelde.
Ito’y kaugnay ng inilabas na pahayag ng White House tungkol sa isang Pilipinong seaman na nasawi at sakay ng Greek-owned ship na MV Tutor nang salakayin ng Houthi rebels noong nakaraang linggo.
Sa kasalukuyan ay hindi pa kumpirmado ang kaugnayan nito sa nawawalang Pinoy at patuloy pa rin ang isinasagawang paghahanap.
Ayon sa DMW, mananatili ang operasyon sa paghahanap ng nawawalang seaferer sa oras na madala ang barko sa isang ligtas na daungan.
Sa ngayon ay patuloy na umaasa ang ahensya at nakikipag-ugnayan sa pamilya ng naturang seaferer.
Facebook Comments