
Pinabulaanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ulat na may 40,000 stranded Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pilipinas dahil sa deployment ban sa Middle East.
Nilinaw ng DMW na wala silang pinaiiral na deployment ban sa Gitnang Silangan sa harap ng alert levels na pinatutupad ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Kaugnay nito, pinulong ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang recruitment agencies para tugunan ang problema ng OFWs na pabalik ng Middle East.
Inatasan din ng kalihim ang recruitment agencies na i-monitor ang kalagayan ng Pinoy workers na kanilang pinadala sa Gitnang Silangan at tulungan ang mga nais nang umuwi ng Pilipinas.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang voluntary repatriation efforts ng DMW sa OFWs at kanilang dependents sa Middle East.










