DMW, pinuri ng mga kongresista matapos matapos maibigay ang labor claims ng mga OFW na natanggalan ng trabaho sa Saudi noong 2015

Pinuri at pinasalamatan nina OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino at Kabayan Party-list Representative Ron Salo ang Department of Migrant Workers (DMW) at si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasunod ito ng initial release ng mga unpaid wages and benefits ng 1,104 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na natanggalan ng trabaho sa Saudi Arabia noong 2015.

Binanggit ni Magsino na bunga ito ng masugid na pagtutok ni Pangulong Marcos sa sitwasyon kung saan direkta pa siyang nanawagan sa bilateral meeting sa Riyadh para sa maresolba ang hindi pa nabayarang sweldo ng 10,000 OFWs.


Sabi naman ni Congressman Salo na ang malakas na international at diplomatic relations ni Pangulong Marcos kay Crown Prince Mohammad Bin Salman ang dahilan ng mabilis na proseso kaya nai-release ang pending salaries, wages at end-of-service benefits ng mga apektadong OFWs.

Facebook Comments