DMW Sec. Cacdac, lumipad na sa Djibouti para asikasuhin ang repatriation sa labi ng Pinoy seafarer na nasawi sa panibagong Houthi attack sa Gulf of Aden

Lumipad na patungong Djibouti si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac para asikasuhin ang repatriation ng Filipino seafarer na nasawi sa pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden nitong September 29.

Kasamang lumipad ni Cacdac ang misis at kapatid na babae ng nasawing Pinoy seafarer.

Personal din na dadalawin ni Cacdac ang isa pang Pinoy crew ng MV Minervagracht na nasugatan sa pag-atake.

Nagtutulungan na rin ang DMW at ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pakikipag-ugnayan sa may-ari ng barko para mapabilis ang proseso ng repatriation ng labi ng Pinoy crew.

Tinitiyak din ng naturang mga ahensya na maibibigay agad ng shipowners ang tulong para sa mga naapektuhang Pinoy seafarers at sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments