DMW Sec. Cacdac, nakatakdang bumisita sa West Africa para sa planong magtayo ng Migrant Worker Office sa Nigeria

Nakatakdang bumisita sa West Africa ngayong darating na August 9 hanggang 16 si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.

Aniya, bibisita sila sa Liberia at Nigeria para makipag-usap sa ministerial counterparts at makipagkita na rin sa Overseas Filipino Workers doon.

Ibinahagi na rin ng kalihim na plano nilang magtayo ng Migrant Workers Office sa Nigeria.

Ayon pa kay Cacdac, isa ang Nigeria sa mga bansa na may skilled Filipino workers.

Mainam na lugar sa ito para sa mga OFW dahil maliban sa may matatag na oil industry ay gusto rin ng bansa ang mga Pinoy pagdating sa ilang skill sets.

Facebook Comments