DMW Sec. Hans Leo Cacdac, tuluyang na-bypassed ng Commission on Appointments

Tuluyan nang na-bypassed ng Commission on Appointments (CA) si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.

Nagsagawa pa ng pagdinig ang CA nitong Martes kung saan ipinagpaliban ang pag-apruba sa ad interim appointment ni Cacdac dahil sa kakulangan ng oras at hindi na ito naihabol pa bago ang sine die adjournment nitong Miyerkules.

Ayon kay Senate President Francis Escudero, bypassed na si Cacdac at dahil inabot ng pagtatapos ng ikalawang regular session ng 19th Congress ay kailangan uli itong ma-reappoint ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Matatandaang kinwestyon naman ng husto ni Cong. Rodante Marcoleta si Cacdac at dahil sa dami pa ng katanungan at kakulangan sa oras ay nagmosyon ito na i-defer ang pag-apruba sa ad interim ng kalihim.

Samantala, sa July 22 magbabalik ang sesyon para sa nagbubukas ng 3rd regular session at ito rin ang petsa ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

Facebook Comments