DMW Secretary Cacdac, muling tutungo ng Saudi Arabia para sa claims ng Pinoy workers ng mga nagsarang kompanya roon

Courtesy: RTVM

Muling lilipad patungong Saudi Arabia si Department Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac para sa claims ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa mga naluging kompanya sa Saudi.

Nasa 1,500 na Pinoy workers ang nag-claim ng kanilang mga naiwang benepisyo mula sa nagsarang Saudi companies.

Ayon kay Cacdac, tiniyak sa kanya ng Saudi government na may pondo ito para backwagea ng Overseas Filipino Workers (OFWs).


Taong 2015 nang magdeklara ng bankruptcy ang ilang kompanya sa Saudi Arabia.

Facebook Comments