DMW Secretary Hans Leo Cacdac, tiniyak na walang Pinoy na naapektuhan ng magnitude 8.8 na lindol sa Russia

Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na walang Pilipinong naapektuhan ng magnitude 8.8 na lindol na tumama sa Russia.

Sa kabila nito, patuloy aniya ang kanilang ugnayan sa Migrant Workers Office sa mga apektadong lugar.

Tiniyak din ni Cacdac ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Russia.

Una na ring naglabas ang Philipine Embassy sa Japan ng tsunami alert sa Filipino community doon.

Partikular ang mga naninirahan sa ilang bahagi ng northern, Western Japan at sa Ogasawara Islands sa Southern Japan.

Facebook Comments