Nakipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pamilya ng Pilipinong binitay sa Saudi Arabia.
Tiniyak ng DMW ang tulong at pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng naturang Pinoy.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), bahagi ng local procedures ng Riyadh ang hindi pag-abiso sa pamilya ng kanilang ini-execute.
Maging ang Philippine Embassy sa Saudi Arabia ay walang natanggap na abiso bago binitay ang Pinoy.
Nanindigan naman ang DFA na huwag isapubliko ang pangalan ng binitay na Pinoy dahil na rin sa kahilingan ng pamilya nito.
Sinasabing away sa pera ang dahilan ng pamamaslang ng Pinoy sa isang Saudi national.
Facebook Comments