
Tiniyak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW) na bumubuti na ang kondisyon ng Pilipinang domestic worker na naospital matapos ma-trap sa malaking sunog sa residential complex sa Tai Po, Hong Kong.
Ang Pinay OFW na si Rhodora Alcaraz ay personal na binisita sa ospital nina DMW Secretary Hans Cacdac, OWWA Administrator PY Caunan, gayundin ng Philippine Consulate General at HK Labour and Welfare Bureau.
Si Alcaraz ay itinuring na bayani matapos niyang iligtas ang tatlong buwang gulang na sanggol na alaga niya kung niyakap niya ito ng mahigpit at ginamit ang sarili niyang katawan bilang panangga laban sa apoy at makapal na usok.
Tiniyak din ng Hong Kong government ang tulong sa Pinay Overseas Filipino Worker (OFW).









