DMW, tiniyak na hahabulin ang mga nasa likod ng maling pagpapadala sa Pilipinas ng labi ng Pinay na nasawi sa coal suffocation sa Kuwait

Tiniyak ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na hahabulin nila ang nasa likod ng maling pagpapadala sa Pilipinas ng labi ng Pinay Overseas Filipino Worker o OFW na nasawi sa coal suffocation sa Kuwait.

Ayon kay Cacdac, tinitingnan na rin ng kanilang abogado ang posibleng negligence sa pagkasawi sa suffocation ng Pinay habang nasa bahay-bakasyunan ito kasama ang kanyang amo.

Bukod aniya ito sa legal claims na hahabulin nila para sa pamilya ng OFW.


Tiniyak naman ng Kalihim na sa bukas ay darating na sa bansa ang labi ng OFW na si Jenny Alvarado.

Nilinaw naman ni Cacdac na ang service provider ang sasagot sa lahat ng gastusin sa repatriation ng labi ng OFW.

Sa ngayon aniya, hinihintay na rin nila ang autopsy report ng Kuwaiti authorities sa labi ni Jenny.

Kinumpirma naman ni Cacdac na naibalik na kagabi sa Kuwait ang labi ng Nepalese na naipadala sa bansa.

Facebook Comments