DMW, tiniyak na may sapat pang pondo para sa repatriation sa OFWs na apektado ng Hamas attack

Tiniyak ni Migrant Workers OIC Hans Leo Cacdac na may sapat na pondo ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa pagpapatuloy ng repatriation ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng Hamas attack.

Kabilang dito ang mga Pinoy sa Israel, Lebanon at West Bank.

Ayon kay Cacdac, kinukuha nila ang pondo sa kanilang P1.2 billion action fund.


Bukod aniya sa repatriation, patuloy rin ang pagbibigay ng DMW ng humanitarian assistance sa iba pang Pinoy na piniling manatili na lamang sa Israel.

Kinumpirma rin ni Cacdac na sa susunod na taon ay magiging P1.7 billion na ang kanilang action fund.

Facebook Comments