DMW, tiniyak na nakatutok sa insidente ng pagbagsak ng gusali sa Jeddah, Saudi Arabia

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga awtoridad sa Jeddah, Saudi Arabia kaugnay ng pagbagsak ng isang gusali sa nasabing bansa.

Ayon sa DMW, ito ay bagama’t walang Pilipinong kasama sa mga nasaktan sa insidente.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Migrant Workers Office (MWO) sa medical at emergency services agencies sa Jeddah para matiyak ang seguridad ng mga Pinoy roon.


Sa paunang impormasyon, walo katao ang ni-rescue mula sa bumagsak na gusali.

Facebook Comments