Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa stable na kalagayan ang tatlong Filipino seafarers na malubhang nasugatan sa missile attack ng Houthi rebels sa Yemen.
Ayon sa DMW, patuloy na nilalapatan ng lunas sa Djibouti City ang tatlong Filipino crew men.
Habang ang 10 iba pang Pinoy seafarers na nakaligtas sa pag-atake ay nasa isang hotel sa Djibouti City.
Tiniyak naman ng DMW na tinututukan ng manning agency ang sitwasyon ng mga Pinoy.
Samantala, nakipagkita na ang mga opisyal ng DMW sa pamilya ng dalawang Pinoy seafarers na nasawi sa naturang pag-atake.
Facebook Comments