DMW, tiniyak na umuusad na ang kaso laban sa pumatay sa OFW na si Mary Grace Santos

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na malapit nang makamit ng pamilya ni Mary Grace Santos ang katarungan sa pagkamatay ng naturang Overseas Filipino Worker (OFW).

Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Cacdac, kinasuhan na ang menor de edad na Egyptian na pumatay sa naturang Pinay.

Inabisuhan na rin anila nila ang ina ni Mary Grace hinggil sa development ng kaso.


Si Mary Grace ay ang OFW sa Jordan na hinalay at pinaslang ng Egyptian na menor de edad.

Nabatid na inamin pa ng suspek na hinalay at pinatay niya ang Pinay OFW.

Facebook Comments