DMW, tiniyak na walang Pinoy na naapektuhan ng lindol sa Taiwan

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipinong naapektuhan ng malakas na lindol sa Taiwan.

Ayon kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, wala ring Pilipinong nasaktan sa naturang lindol.

Wala rin aniyang Pinoy na naapektuhan ang trabaho dahil sa pagyanig.

Tiniyak din ng DMW na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa Taiwan.

Ito ay lalo na’t nagpapatuloy pa ang aftershocks doon.

Facebook Comments