
Inatasan ni Department Of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang counsels of record ng DMW at mga abogado nito na magsampa ng magkakahiwalay na kasong sibil para sa danyos laban sa akusado sa malagim na insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong May 4.
Nakipagpulong sa mga kinatawan ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration ang pamilya ng batang nasawi sa malagim na insidente sa NAIA Terminal 1 na si Danmark Masongsong kasama ang kanyang pamilya sa isang mall sa Mandaluyong City.
Naganap ang pagpupulong matapos ang Austria Job Fair ng DMW at bago bumalik sa Batangas ang pamilya Masongsong, kasunod ng kanilang pagdalo sa pagdinig sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 109 para sa kasong Reckless Imprudence na isinampa laban sa mga akusado sa insidente sa NAIA Terminal 1 na kumitil sa buhay ng kanilang apat na taong gulang na anak.
Tiniyak din ng DMW sa pamilya Masongsong ang patuloy na suporta at tulong ng gobyerno.









