Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na tututukan nito ang kalusugan ni Mary Jane Veloso partikular ang paggamot sa kanyang ovarian cyst.
Ayon sa DMW, makikipag-ugnayan sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Philippine Embassy sa Jakarta para matiyak na mabibigyan ng tamang medical attention si Mary Jane.
Mismong si Usec. Hans Cacdac na head ng DMW welfare cluster ang nakikipag-ugnayan ngayon kay DFA Usec. Eddie de Vega hinggil sa nasabing usapin.
Una nang kinumpirma ng pamilya ni Mary Jane na bumalik ang kaniyang ovarian cyst.
Facebook Comments