DNA result sa nakuhang sample sa sasakyan na pinaglipatan umano kay Catherine Camilon, ilalabas na

Inaantabayanan na ang paglabas ng DNA result sa nakuhang sample ng buhok at patak ng dugo sa sasakyan na pinaniniwalaang pinaglipatan kay Catherine Camilon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo, inaasahang ilalabas bukas ang resulta ng DNA na magkukumpirma kung kay Camilon nga ang mga nakuhang sample sa kulay pulang Honda CRV.

Nabatid na sumailalim sa Buccal Swab Collection ang mga magulang at kapatid ni Camilon.


Hanggang ngayon, ay hindi parin natutukoy ang kinaroroonan ni Camilon na huli umanong nakita na duguan at inililipat mula sa kanyang sasakyan patungo sa CRV.

Kasunod nito, umaasa ang mga awtoridad na buhay pa si Camilon pero hindi nila isinasantabi ang “worst case scenario” na patay na ang missing beauty queen.

Facebook Comments