DNA sample mula sa gunting na ginamit sa Silawan slay case, nagtugma

Tumugma ang DNA samples na kinuha mula sa gunting na ginamit sa pagpatay kay Christine Silawan at sumukong suspek sa pagpatay dito.

Ayon kay Police Brig. Gen. Rolando Hinanay, hepe ng PNP-crime laboratory, nagpositibo ang resulta ng DNA na nagmula kay Silawan at sa suspek na si Renato Llenes.

Una nang umamin ang 42-anyos na suspek na gunting ang kanyang ginamit sa pagsaksak ng mahigit 30 beses sa katawan at pagbalat sa mukha ng dalagita.


Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Silawan sa isang abandonadong lote sa Bangkal, Lapu Lapu City noong March 11.

Facebook Comments