DNA samples ng napatay na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon, naipadala na sa FBI

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na naipadala na sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ang nakuhang dna samples sa mga labi ng mga napatay na teroristang lider na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, nakuha na nila ang DNA samples bago pa man mailibing sina Hapilon at Maute alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.

Anya, agad itong ipinadala sa FBI, para makumpirma ang identity ng mga napatay na terorista.


Wala umanong ibinigay na time frame ang FBI kung kailan maipapadala ang resulta ng pagsusuri.

Ang dna comparison ay isa sa mga paraan para makuha ng informant ang pabuya kapalit ng pagtuturo sa pinagtataguan ng dalawang terrorist leader.

Sampung milyong piso ang inilaang pabuya ng pilipinas para sa ikadarakip ni Hapilon at limang milyong pabuya para kay Omar Maute habang limang milyong dolyar naman sa panig ng Amerika.

Facebook Comments