DND, binigyang diin na sa ilalim ng panunungkulan ni PRRD ay walang ipinamigay na teritoryo sa China

Muling iginiit ng Department of National Defense (DND) na sa ilalim ng administrasyong Duterte ay walang teritoryong ipinamigay.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DND Sec. Delfin Lorenzana ay bagkus naninindigan pa nga si Pangulong Rodrigo Duterte sa sovereign rights ng bansa.

Sa katunayan malaking tulong ang ginawang Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization ng pangulo upang mapalakas ang ating pwersa at maipagpatuloy ang pagpapatrolya sa pinag-aagawang West Philippine Sea.


Samantala, iniulat din ni Lorenzana na tahimik at walang naitatalang kaguluhan ngayon sa nasabing disputed areas.

Bunga din aniya ito nang patuloy na pakikipag-usap o dayalogo ng gobyerno ng Pilipinas sa China sa diplomatikong pamamaraan.

Facebook Comments