DND, bukas na makipagdayalogo sa UP hinggil sa 1989 accord

Bukas ang Department of National Defense (DND) na makipag-usap sa University of the Philippines (UP) para talakayin ang unilateral abrogation sa UP-DND 1989 accord.

Ipinakita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang profiles ng 28 UP students na umano’y naging miyembro ng New People’s Army (NPA).

17 sa mga ito ay namatay mula 1975 hanggang 2020, apat ang nahuli, habang ang natitira ay minamanmanan ng militar.


Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kailangan muna nilang sagutin kung bakit kasama ang ito sa NPA.

Dapat ding magpaliwanag ang UP management kung bakit nabigo silang protektahan ang mga estudyante mula sa recruitment.

Nagpapasalamat din si Lorenzana sa mga senador na nagpasa ng resolusyon na humihiling ng dayalogo at kay Presidential Spokesperson Harry Roque na inalok ang kanyang opisina para sa meeting sa pagitan niya at ni UP President Danilo Concepcion.

Paliwanag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, maaaring bawiin ng DND ang kasunduan dahil wala itong nilalabag na anumang probisyon, kontrata at nalipasan na ng panahon.

Punto pa ni Arevalo, nilagdaan ang kasunduan noong 1989 pero nagkaroon ng PNP Law noong 1991 kung saan hiwalay na pwersa na ang pulisya sa militar.

Labag din aniya ito sa public interest partikular sa Rules of Court dahil kailangan pang humingi ng permiso ang law enforcers sa UP management bago sila makapagsagawa ng aresto o paghahanap sa loob ng kanilang campuses kahit mayroong arrest o search warrant mula sa korte.

Facebook Comments