Dumipensa si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana kung bakit hindi ang mga barko ng Philippine Navy ang ipinadala sa Julian Felipe Reef sa West Philippine
Sea.
Ito ay matapos mamataan ang halos 200 Chinese vessels sa naturang bahura na matatagpuan sa 175 nautical miles ng Bataraza, Palawan.
Ayon kay Lorenzana, tanging ang mga barko lamang ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ipapadala sa lugar.
Iniiwasan kasi aniyang matawag ang Pilipinas na lumilikha ng gulo dahil kung ang mga barko ng Navy ang ipapadala ay tila nagsasagawa na ng militarisasyon ang bansa.
Sa ngayon, nasa 183 mga barko na lamang ng China ang nasa Julian Felipe Reef mula sa 226 bilang nitong March 7.
Facebook Comments