Inatasan ng Department of National Defense (DND) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na palakasin ang presensya nito sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng ulat hinggil sa umano’y mga bagong aktibidad ng China sa Pag-asa Island.
Batay sa ulat ng Bloomberg, nagsasagawa ang China ng mga bagong konstruksyon at reclamation activity sa hindi bababa sa apat na unoccupied features sa Spratly Islands –– Eldad Reef, Whitsun Reef, Lankiam Cay at Sandy Cay.
Giit ng DND, ang ganitong aktibidad ng China ay banta sa seguridad ng Pag-Asa Island na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Dahil dito, nanawagan din ang DND sa China na sumunod sa international law at iwasang gumawa ng tensyon sa West Philippine Sea.
Samantala, una nang itinanggi ng Chinese Embassy ang ulat ng Bloomberg na tinawag nitong fake news.