Matapos na ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral at reciprocal christmas ceasfire sa pagitan ng CPP NPA NDF ay iniutos na ni defense sec Delfin Lorenzana ang pagpapatupad ng Suspension of Military Operation o SOMO ngayong holiday season.
Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong maayos nang naipakalat at naiutos ng DND sa AFP ang deklarasyong christmas ceasefire ng Pangulo.
Pero mananatili aniyang alerto ang buong hanay ng AFP para agad makaresponde sa anumang banta sa seguridad ng bansa.
Ang christmas ceasefire sa pagitan ng gobyerno at CPP NPA ay magsisimula mamayang hating gabi at magtatagal hanggang January 7, 2020.
Pero bago ito nagkasundo na sana ang PNP at AFP na hindi magrekomenda ng ceasefire sa Pangulo ngayong pasko dahil sa hindi ito seryosong tinutupad ng NPA.