Nilinaw ni Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong na walang katototohanan ang mga lumabas na ulat na inalok umano ng France ang Pilipinas ng dalawang submarine kapalit ng permisso na mag-explore ito sa karagatan ng bansa.
Ayon kay Andolong, nagkaroon ng Defense Cooperation Agreement ang Pilipinas at France noong 2016, ngunit walang natalakay tungkol sa nasabing usapin.
Binigyang-diin pa ni Andolong na sinabi ni DND Officer in Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr., na hindi prayoridad ng Pilipinas ang pagbili ng submarine sa ngayon.
Paliwanag pa nito, bagama’t ang pagbili ng submarine ay kasama sa wishlist ng DND sa ilalim ng AFP Modernization Program, bibigyang prayoridad ng kagawaran ang mga kontrata o proyekto na nilagdaan noong nakalipas na administrasyon sa pag-budget ng limitadong pondo ng pamahalaan.