DND, lumagda sa kasunduang pandepensa at panseguridad sa Indonesia

Nilagdaan ni Department of Defense (DND) Officer-in-Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr., at Indonesian Defense Minister Prabowo Subianto ang isang kasunduang pandepensa at panseguridad sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.

Isa ito sa mga bilateral agreements na nilagdaan kasabay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Indonesia kanina.

Ang kasunduan ay muling pagpapatibay ng commitment ng dalawang bansa sa 1997 Defense Cooperation Agreement at pandagdag sa 1975 Border Patrol and Crossing Agreements sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.


Ayon kay DND Spokesperson Dir. Arsenio Andolong, ang kasunduan ay naglalatag ng framework para patatagin ang kooperasyong pandepensa at capacity building sa pagitan ng dalawang bansa.

Aniya, ang Indonesia ang isa sa pinakamalapit na defense partner ng Pilipinas sa rehiyon at bilang kapwa founding members ng Association of Southeast Asian Nations magtutulungan din ang dalawang bansa sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting kasama ang iba pang mga bansa.

Facebook Comments