DND Main building, ni-lockdown simula ngayong tanghali matapos mga magpositibo sa COVID-19 ang ilang staff ng DND

Simula kaninang alas-12:00 ng tanghali, lockdown muna ang main building Department of National Defense (DND) na makikita sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Ito ang inilabas na public advisory ng Defense Department matapos na magpostibo sa COVID-19 swab test ang staff officer ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at magpositibo sa COVID-19 rapid test ang ilang empleyado ng DND.

Sa inilabas na public advisory na bilang pagsunod sa biosecurity protocols, magsasagawa ng disinfection sa DND Main building at paligid nito simula ngayong tanghali hanggang bukas, July 15, 2020.


Babalik naman sa normal operation ang opisina sa Biyernes, July 17, 2020.

Facebook Comments