DND, may 2 approach para resolbahin ang agawan ng teritoryo sa WPS

Naglatag ng plano ang Department of National Defense (DND) kung paano reresolbahin ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – isusulong nila ang dalawang approach para itaguyod ang claims ng Pilipinas sa lugar, kabilang ang Exclusive Economic Zones (EEZ).

Itinatag ang Bilateral Consultation Mechanism (BCM) bilang diplomatic front para isulong ang mapayapang negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.


Sa ilalim ng BCM, may apat na areas of interest: political and security; oil and gas; fisheries and marine scientific research at marine environment protect.

Ang domestic front ay ang internal efforts na isinasagawa ng defense at security sector kabilang ang pagpapalakas ng surveillance, enforcement at development capabilities sa West Philippine Sea, Philippine Rise at lahat ng maritime domains.

Sa pamamagitan nito, magagawa ng Pilipinas na makapaghain ng diplomatic protest kapag nagkaroon ng unlawful action.

Muli ring iginiit ni Lorenzana na ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague ay final at binding.

Facebook Comments