DND: Mga aksyon ng China, tunay na hadlang sa kapayapaan at stabilidad sa WPS

Photo courtesy: Jay Tarriela

Patuloy na tututulan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mapanganib na hakbang ng China sa West Philippine Sea.

 

Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kasunod ng huling insidente sa Ayungin Shoal kahapon na kinasangkutan ng isang Chinese Coast Guard Vessel at isang resupply boat ng Pilipinas.

 

Sinabi pa ni Teodoro na ang aksyon ng China ay taliwas sa kanilang mga pahayag.


 

Paliwanag pa nito na ang mga aksyon ng China ang syang hadlang sa pagkamit ng kapayapaan at kaayusan sa South China Sea.

 

Panghuli, binigyang diin ni Teodoro na gagawin ng Sandatahang lakas ang lahat para gampanan ang kanilang mandato na protektahan ang teritoryo, soberenya, at karapatan ng Pilipinas.

Facebook Comments